Add parallel Print Page Options

19 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Buhay ako, walang pagsalang ang panunumpa sa akin na kaniyang hinamak, at ang tipan sa akin na kaniyang sinira, aking pararatingin sa kaniyang sariling ulo.

20 At aking ilalagay ang aking panilo sa kaniya, at siya'y mahuhuli sa aking silo, at dadalhin ko siya sa Babilonia, at siya'y aking hahatulan doon dahil sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang laban sa akin.

21 At ang lahat niyang mga tanan sa lahat niyang pulutong ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang nalabi ay mangangalat sa bawa't dako: at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagsalita niyaon.

Read full chapter